Home NATIONWIDE Leachon pinaiimbestigahan ng medical group sa PRC sa paglabag sa professional ethics

Leachon pinaiimbestigahan ng medical group sa PRC sa paglabag sa professional ethics

1
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng medical group ang Professional Regulation Commission (PRC) na imbestigasyon ang umano’y paglabag sa professional ethics laban kay Dr. Anthony ‘Tony’ Leachon.


‎
‎Sa press conference ngayong Lunes, Oktubre 26, nina House Deputy Speaker Janette Garin, dating DOH Usec. Dr. Kenneth Hartigan-Go, dating director ng Research Institute for Tropical Medicine Dr. Socorro Lupisan, dating FDA Dir. Gen. Maria Lourdes Santiago at dating Philippine Children’s Medical Center Exec. Dir. Dr. Julius Lecciones na tila lumalagpas na sa kaniyang posisyon si Dr. Leachon bilsng isang medical professional.
‎
‎Partikular nilang kinuwestyon ang sayantipikong basehan ang public medical claims ni Leachon at ang saklaw ng kaniyang professional expertise at unethical na pahayag laban sa kapwa nito medical professionals.
‎
‎Kabilang sa binanggit na isyu ang public statement ni Leachon kaugnay sa kontrobersyal na dengue vaccine o ang naging epekto nito na nagdulot naman ng pangamba at takot sa publiko.
‎
‎Paliwanag pa nila, ang mga hakbang na ginagawa ng ilang ahensiya at departamento ng pamahalaan ay dumaam sa tamang pag-aaral gayundin sa pagsusuri at hindi ito basta-basta ginagawa o inihahayag tulad ng hakbang ni Dr. Leachon.
‎‎
‎Inanunsyo rin nila na maghahain ng patong-patong na reklamo ang mga medical professionals sa PRC ng paglabag sa medical act ng code of ethics.
‎
‎Bukod dito, pina-rerevoke din nila ang lisensya ni Leachon bilang medical professional.
‎
‎Bagamat aminado si Garin na maraming natakot sa bakuna pero binigyang-diin niya na walang katotohanan ang mga naging pahayag ni Leachon laban sa bakuna ng dengvaxia.
‎
‎Giit pa nila, nais nilang panagutin si Leachon ng accountability sa mga binitawan niyang salita na nakaapekto sa tiwala ng publiko at mga bata.
‎
‎Nagbigay din aniya ito ng mantsa sa integrity at kredebilidad ng mga medical expert.
‎
‎Ayon sa grupo, layunin ng kanilang hakbang na matiyak ang pananagutang propesyonal ng mga doktor at mapangalagaan ang tiwala ng publiko sa mga programang pangkalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here