MANILA, Philippines – Nagsagawa ng inspeksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa pakikipagtulungan ng Department of Transportation (DOTr) at partner agencies sa mga terminal ng bus sa Cubao, Quezon City ngayong Lunes, Oktubre 26.
Sakop ng inspeksyon ang pagsuri sa mga brake, ilaw, gulong, early warning devices, at kaukulang dokumento upang masiguro ang road safety standards.
Sumailalim din sa breathalyzer tests ang mga drayber. RNT