Home NATIONWIDE P5M ‘allocable’ ng TESDA, naging palaisipan kay Lacson sa ‘di pagtanggi kay...

P5M ‘allocable’ ng TESDA, naging palaisipan kay Lacson sa ‘di pagtanggi kay ‘Stephanie’

1
0

MANILA, Philippines – Lalong nagiging palaisipan ang alok na P5-milyong “allocation fund” ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), matapos kuwestiyunin ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Lunes, Oktubre 26, kung bakit hindi itinanggi ng ahensya na mayroon itong staff na nagngangalang “Stephanie” na lumapit sa kanyang tanggapan upang ihatid ang alok.

Ani Lacson, bagama’t itinanggi ni TESDA Secretary Jose Francisco Benitez na pinahintulutan niya ang sinuman na mag-alok ng alokasyon sa senador, ang hindi paglilinaw ng ahensya kung empleyado nito si “Stephanie” ay nag-iiwan ng mga tanong kung paano ginawa ang umano’y alok at kung umiiral ang ganitong gawain sa TESDA.

“I’m willing to give him the benefit of the doubt na nag-deny siya agad and nagpasalamat na binigay alam (ko ang tungkol sa) pangyayari. Pero hindi ako kumbinsido, it’s much simpler if the good secretary had categorically said ‘wala kaming staff na ganyan.’ Doon agad maconvince tayo may gumagamit ng pangalan niya. Pero walang denial, sa pagkaalam ko,” ani Lacson sa mga panayam sa DZMM at DZBB.

“Baka may staff sila, hindi siguro kikilos (na walang utos) not necessarily from Sec. Benitez. (And) I’d like to believe di lang ako ang nili-liaise nila. Ako, in-expose ko para maliwanag na tinanggihan ko,” dagdag niya.

Noong Sabado, inilantad ni Lacson ang alok na P5-milyong “allocation fund” na iniuugnay sa TESDA at ipinaabot sa pamamagitan ng kanyang Senate staff. Binalaan din niya ang iba pang ahensya ng gobyerno laban sa tahasang pag-aalok sa mga mambabatas ng pondo mula sa badyet.

Sa message thread, nagpakilala ang nag-alok na “Stephanie Cordez from TESDA Central Office” na diumano’y “assigned liaison officer for Senator Ping Lacson” – at kinuha diumano ang numero ng Senate staff ni Lacson mula sa isang “Attorney Cyril Santiago.”

Matapos tanggihan ni Lacson ang alok, sumagot si “Stephanie” na “ire-relay” niya ito “to our heads.”

Bagama’t pinag-isipan niyang magsagawa ng entrapment o sting operation upang maaresto ang mga sangkot, naawa siya kay “Stephanie,” na ayon sa kanya ay tila sumusunod lamang sa mga utos.

Sinabi rin niyang inatasan niya ang kanyang staff na “to provide Benitez with all available details to help their internal investigation get to the bottom of the issue.”

Balak ni Lacson na humingi ng karagdagang paglilinaw kapag tinalakay na sa plenaryo sa Nobyembre ang panukalang 2027 budget ng TESDA.

“It is not the amount. The act of offering P5 million, mali na kaagad. Saan kukunin ang P5 million kundi sa pondo din ng bayan, kung sakaling totoo? Sa akin naman maliit o malaki, mali mag-offer ka ng pera kung saan nag-deliberate kami. That’s one form of lobbying, and that’s also a form of bribery,” ani Lacson.

Samantala, muling iginiit ni Lacson na walang lugar ang paglo-lobby na may kalakip na pera, lalo na sa proseso ng pagtalakay sa badyet.

Sinabi niyang maaaring umapela sa Kamara at Senado ang mga ahensyang nabawasan ang panukalang 2027 budget sa National Expenditure Program (NEP) upang maibalik ang mga tinapyas na pondo, basta’t maipaliwanag at maipagtanggol nila ang kanilang mga kahilingan.

Ayon kay Lacson, patuloy na susuriing mabuti ng Senado ang panukalang badyet, katuwang ang mga budget advocate at civil society group na tumutulong ngayon sa masusing pagbusisi sa panukala.

Muli rin niyang iginiit ang pangangailangan ng transparency sa proseso ng pagbabadyet, kabilang ang pagpapatuloy ng livestream kahit sinuspinde ang mga deliberasyon, lalo na sa antas ng bicameral conference committee.

“So dapat ituloy ang practice ng transparency pagdating sa budget (We must sustain the practice of transparency in the budget),” aniya.

‘No to Ayuda Budget’

Nagbabala rin si Lacson laban sa labis na pag-asa sa mga pondong nakalaan para sa ayuda, gaya ng Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIFIP) at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Binanggit niya ang mga salaysay tungkol sa ilang benepisyaryo na umano’y ginagastos sa pamimili at pagsusugal ang perang natatanggap mula sa mga programang ito.

He said that the country’s projected budget deficit of P1.695 trillion and projected national debt ballooning to P21.48 trillion in 2027 could leave the Philippines sinking further into debt. He also noted the projected gross borrowings of P3.043 trillion in 2027 for principal and interest payments.

Sinabi niya na dahil sa inaasahang budget deficit na P1.695 trilyon at paglobo ng pambansang utang sa P21.48 trilyon sa 2027, nanganganib na lalo pang mabaon sa utang ang bansa.

Binanggit din ni Lacson ang projected gross borrowings na P3.043 trilyon sa 2027 para sa principal at interest payments.

Ayon kay Lacson, ang planong pagbabawas ng Senado ng P2 bilyon sa sarili nitong badyet sa ilalim ng NEP, bilang pagpapakita ng disiplina sa paggasta, ay maaaring magpalaya ng pondong maililipat sa edukasyon at kalusugan o ibang mas produktibong gawain kung saan makikinabang ang mga Pilipino sa medium at long term.

“Kung hindi tayo mag-invest sa productive endeavors walang balik yan. Lubog tayo ng lubog sa utang,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here