Home METRO Pangatlong suspek sa pagpatay sa UP stude, arestado

Pangatlong suspek sa pagpatay sa UP stude, arestado

252
0

DAVAO del Norte, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isa pang suspek sa pagpatay sa estudyante ng University of the Philippines Manila na si Sophia Coquilla sa Tagum City noong Hulyo 9.

Nadakip ang 15-anyos na suspek sa follow-up operation noong Hulyo 10 alas-12:05 ng madaling araw sa Purok Lemonsito, Barangay Mankilam, Tagum City.

Nauna nang inaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek na may edad 14 at 17.

Narekober sa kanila ang mga gamit ng 19-anyos na biktima.

Ang tatlong suspek ay tubong Maragusan, Davao de Oro.

Isang suspek na lamang ang natitira, isang 18-anyos na residente ng Mati City.

Nakilala ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV camera malapit sa bahay ng biktima.

Sa mga naunang ulat, nagtamo ang biktima ng 38 saksak at ang kanyang katawan ay natuklasan ng kanyang mga magulang sa kanyang silid na wala ng buhay.

Pinuri ng Davao del Norte police chief Police Col. Alexander Serrano Jr. ang mga operating unit para sa pag-aresto sa mga suspek na nasa kustodiya ng Women and Children Protection Desk (WCPD) para sa kaukulang pagsusuri at disposisyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here