Home METRO Kontratista binaril ng balisang alalay sa Bulacan

Kontratista binaril ng balisang alalay sa Bulacan

213
0

Bulacan – Patay ang isang 54 anyos na kontratista matapos umanong barilin ng balisang farm helper sa kanyang bahay sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang biktimang si alyas Jovito, habang ang suspek ay si alyas JM, 29, kapwa residente ng Brgy. Paradise III.

Sa report ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang 3:30 ng hapon noong Hulyo 9 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report, isang saksi ang nakakita na nagtatalo ang suspek at ang biktima na kalaunay pumasok sa loob ng kanyang bahay.

Sinundan umano ng suspek ang biktima hanggang sa ilang sandali pa ay may narinig siyang isang putok ng baril mula sa loob ng bahay.

Makalipas ang ilang minuto ay namataan ang suspek na lumabas ng bahay na aniya ay balisang-balisa.

Sinasabing sa takot ay hindi agad nagsalita ang saksi subalit nang madiskubre ang duguang bangkay ng biktima ay nakipagtulungan siya sa mga awtoridad kaya natukoy ang suspek na nagpositibo sa gun powder residue.

Nabatid na sa isinagawang inquest proceeding, kusang loob na inamin umano ng suspek ang krimen sa harap ng pamilya ng biktima.

Isiniwalat din niya sa mga awtoridad ang lugar na pinagtaguan ng kalibre .45 na may magasin at apat bala na kanyang ginamit sa krimen.

Dahil dto, na pinuntahan ng mga tauhan ng SJDM police at RMFB3 kasama ang suspek bandang 5:40 ng hapon noong Hulyo 10 kaya narekober ito.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder habang nakakulong sa naturang istasyon mg pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here