ILOCOS NORTE, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 55-anyos na lalaki matapos na malibing nang buhay sa hinuhukay niyang balon sa Laoag City ng lalawigang ito kahapon, Hulyo 11.
Ayon sa pulisya, ang 55-anyos na biktima ay nasa loob ng hinuhukay na butas para sa ginagawang balon sa lupa ng kanilang kapitbahay nang biglang gumuho ang lupa at matabunan ang biktima sa lalim na 6 to 7 metro.
Agad na isinagawa ang retrieval operation ngunit ang biktima ay isa nang malamig na bangkay nang ma-retrieve ang katawan nito mula sa gumuhong hinuhukay na balon. Rolando S. Gamoso