Home METRO Barangay chairman, arestado sa pagpapaputok ng baril sa Tondo, Manila

Barangay chairman, arestado sa pagpapaputok ng baril sa Tondo, Manila

335
0

MANILA, Philippines – Nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) – Station1 ang isang barangay chairman na iniulat na nagpaputok ng apat na beses at nag-viral sa social media ngayong Sabado.

Sa imbestigsyon ng pulisya, nangyari ang insidente alas 10 ng umaga ng Hulyo 12 sa kahabaan ng Amethyst St., sa Barangay 122, Tondo.

Nauna rito, nagsasagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Barangay 122 sa kanilang area of responsibility na nagresulta ng kaguluhan kung saan bumunot ng baril ang Brgy. chairman na si Rodelio Yu y Castro, 57.

Ilang beses umanong nagpapaputok sa sahig ang opisyal ng barangay dahilan para malagay sa panganib ang buhay ng ilang residente sa lugar kablang na rito ang dalawang senior citizens.

Nang malaman ng mga tauhan ng 10 Bravo Sector ang pangyayari agad silang rumisponde sa lugar at inaresto si Castro.

Narekober kay Chairman Castro ang isang Armscor cal.45 at isang magazine, tatlong buhay na bala.

Ang apat na basyo naman ng bala nang walang habas na pagpapaputok ni Castro ay narekober din mga residente.

Ang kaso ni Castro ay ililipat ng MPD-Station 1 sa MPD-General Assignment Investigation Section o MPD-GAIS. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here