Home ENTERTAINMENT Kathryn at Mark, huli sa airport!

Kathryn at Mark, huli sa airport!

300
0

Manila, Philippines- Confirmed na nga ba?

Ito ang tanong na nangangailangan ng kasagutan as regards the sighting of Kathryn Bernardo and Lucena City Mayor Mark Alcala together at the Ninoy Aquino International Airport nitong July 9.

Nag-viral nga ang mga larawan at video nila lalo’t iisa ang kanilang destinasyon–Australia.

Pero ayon sa ulat ng PEP, bagama’t Kathryn and Mark were both bound for the Land Down Under ay sa magkaibang lugar doon sila papunta.

Melbourne-bound ang Kapamilya actress, habang off to Sydney naman ang alkalde.

Matatandaang noong isang taon nang pumutok ang balitang panliligaw ni Mark kay Kathryn.

Sinubukan ngang i-direct message ni Ogie Diaz si Mark para tuklasin mula rito but there was no response.

Mula noon ay tila napapadalas ang tsika tungkol sa mga sighting sa kanila.

Pero to this day, walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa magkabilang partido.

Pamilyar na sa showbiz ang pangalang Mark Alcala dahil dati siyang nobyo ni Ashley Ortega na ngayo’y girlfriend ni Mavy Legaspi.

Samantala, Kathryn’s last boyfriend of 11 years was Daniel Padilla. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here