Home METRO 16 anyos na lalaki, tumalon sa ilog sa Valenzuela, nasagip

16 anyos na lalaki, tumalon sa ilog sa Valenzuela, nasagip

286
0

MANILA, Philippines – TILA nawala sa katinuan ang isang 16-anyos na lalaki nang tumalon ito sa Tullahan river at sagipin ng pulisya kahapon, Hulyo 12 sa Valenzuela City.

Kinilala ang lalaki na si alyas “Migs”, isang estudyante at residente ng Tullahan Road, Sta. Quiteria, Caloocan City.

Nabatid na matapos makatanggap ng tawag sina PSSg Alvaro Vargas Jr, at Pat Crizald Kevin Flores, pawang nakatalaga sa Patrol Base (PB)-2 mula sa Station Tactical Operation Center (STOC) ng Valenzuela City Police Station (VCPS) tungkol sa insidente, nirespondehan nila ito at nakitang lumalangoy si alyas Migs at iahon.

Matapos ay dinala nila nila ito sa 3S Center ng Gen.T.De Leon at binigyan ng damit at gamit pampaligo.

“Pinapakain din po namin pero ayaw po niya. Tila may malaking problema ang bata,” ayon pa sa hepe.

Personal na tinungo ng pulisya ang ama ni Migs sa tinitirhan nito at ipinaalam ang pangyayari.

Ayon sa STOC, ang insidente ay itinawag sa 911. Sa kanilang rekord, iniradyo anila ang insidente nang alas-kuwatro singkuwenta’y nuwebe (4:59) ng hapon, at nakarating sa lugar ang mobil ng pulisya 5:01 ng hapon.

“Bale ang sistema po kasi, kapag may mga ganoong emergency, tinitignan po namin ‘yung deployment plan, kaya kung sino po ‘yung nasa pinakamalapit na lugar, ‘yun po agad ang niraradyuhan namin,” pahayag ng STOC sa panayam.

Makalipas ay dinala ng pulisya sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) si Migs kasama ang ama nito upang sumailalim sa counseling at iba pang pangangailangan ng bata. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here