Home ENTERTAINMENT Khalil, sinabihang ‘best leading man’!

Khalil, sinabihang ‘best leading man’!

1
0

Manila, Philippines – Muling sumabak si Khalil Ramos sa boys’ love (BL) genre pagkatapos ng sampung taon.

Una siyang nagbida noon sa isang entry sa CinemaOne Originals noong 2016.

May nakita ring sexual tension sa pagitan nila ni Kokoy de Santos sa isang pelikulang pinagtambalan nila ni Barbie Forteza kamakailan.

Gayunpaman, hindi niya nakikitang dahilan ito para pangambahan ang pagiging typecast.

Ibang klase rin ang challenge na hinarap niya sa pinakabagong BL-themed story na “Patay Gutom” dahil animated ang kanyang karakter.

“It’s been a while [na gumawa ako ng BL] pero first time kong animated. So kakaiba,” lahad ni Khalil.

“Nung nakita ko yung teaser for the first time, parang ‘Huuyyy!!!’ Yun pala ang itsura ko kung animated ako.”

Ipinaliwanag ni Khalil na kinailangan niyang gumawa ng ilang adjustments sa kanyang pagganap dahil sa animated treatment ng pelikula.

“May mga konting physical adjustments lang. Parang kailangan, sobrang precise lagi nung blocking,” aniya.

Dagdag pa niya, iba rin ang lighting at ilang technical considerations dahil sa kakaibang visual treatment ng pelikula.

Ang “Patay Gutom” ay tungkol sa isang masungit at malungkot na taong piniling mamuhay nang mag-isa—hanggang sa isang aksidenteng pagkain ng alay para sa isang ligaw na kaluluwa ang biglang nagbukas sa kanya ng kakayahang makakita ng mga multo.

Dito mabubuo ang isang hindi pangkaraniwang ugnayan na humaharap sa mga sikreto ng pamilya, heartbreak at pag-ibig na tumatawid sa pagitan ng buhay at kabilang buhay.

Kasama ni Khalil sa pelikula si Ian Pangilinan, at may mga eksenang tila nagpapahiwatig ng intimacy at kissing scene sa pagitan ng kanilang mga karakter.

Nang tanungin tungkol dito, hindi naman umiwas si Khalil.

Bilang actor, game raw siya sa mga ganoong mga eksena.

“As long as the script goes for it, I am a firm believer na story is king, and the scene is required to communicate the truth, and that’s good,” pahayag niya.

Malaking bagay naman kay Khalil ang suporta ng kanyang longtime girlfriend na si Gabbi Garcia, na natuwa nang makita ang teaser ng “Patay Gutom.”

“She’s actually very excited nang nakita niya ang teaser. The both of us were very much excited to see it. Hopefully, we get to attend the premiere,” bulalas niya.

Nagpapasalamat naman si Khalil dahil sunod-sunod ang kanyang mga proyekto ngayong buwan.

“Super blessed sa lahat ng nakakatrabaho kong productions, thankful pa rin ako na may tiwala pa sila sa talento ko. In the current state of our industry, sobrang swerte ko na may isang project, pero ngayon sa buwan na ’to, currently I have three, which I am super grateful to be part of these projects,” sey niya.

Flattered din siya sa papuring natanggap niya kay Barbie Forteza na kasama niya sa dalawang proyekto at tinawag siyang “best leading man.”

“I’m super flattered. Ako naman, in my opinion, I’m just doing the best I can as her on-screen partner, the bare minimum. And if that’s what she feels, I’m super thankful na iyon ang naramdaman niya,” kuwento niya.

Ang “Patay Gutom” na idinirehe nina Ian Pangilinan at Carl Joseph Papa ay isa sa mga opisyal na kalahok sa ikatlong edisyon ng CinePanalo filmfest. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here