Home ENTERTAINMENT Kim, pinagtripan ang ‘buntis’ isyu!

Kim, pinagtripan ang ‘buntis’ isyu!

1
0

Manila, Philippines – Animo’y “nilaro” lang ni Kim Chiu ang kumakalat na isyung buntis umano siya courtesy of her love team partner na si Paulo Avelino.

Kamakailan kasi ay nag-post siya ng video clip kung saan makikitang tila may malaking fake baby bump sa kanyang sinapupunan, habang naka-disguise siya na parang lalake.

Hirit ng netizens, nagbalik-tanaw daw ang chinita actress sa teleserye nito noong 2011 kung saan nakasama nito ang ex na si Xian Lim.

Hindi naman napigilang magkomento ng mga katikatera at sawsawera hinggil sa isyu.

Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.

“Nilaro lang tayo ni Kim hahahha.”

“Cute pala ng preggie na tomboy, hahaha.”

“Nagthrowback si ateng sa Binondo Girl.”

“So, pinasakay lang tayo ni Kimmy?”

“Naku, iwas sa pagpo-post bka magkatotoo.”

“Timing ba sa promo ng movie niya.”

“All the while, aware siya na siya ang pinagtsitsismisan.”

“Mga tsismosa, mamatay kayo sa inis.”

“Kailan kaya siya magsasalita?”

Samantala, wala pa namang direktang pag-amin o pahayag si Kim tungkol sa preggy issue. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here