Home METRO 4 na lalaki huli na sa iligal na sugal, nahulihan pa ng...

4 na lalaki huli na sa iligal na sugal, nahulihan pa ng droga

300
0

MANILA, Philippines – APAT na kalalakihan ang inaresto sa magkahiwalay na anti-gambling operation ng pulisya nang maaktuhang naglalaro ng illegal na sugal at makuhanan pa ng droga ang dalawa rito sa Valenzuela City.

Sa ulat ni SDEU investigator P/MSgt. Carlito Nerit Jr kay Valenzuela Police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas, nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang mga tauhan ng Marulas Patrol Base (PB-3) hinggil sa umano’y nagaganap na aktibidad ng illegal gambling sa F. Bautista St., Brgy. Marulas.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng PB-3 sa lugar kung saan naaktuhan nila ang dalawang lalaki na sina alyas “Angelo”, at alyas “John” na abala umano sa paglalaro ng cara y cruz dakong ala-1 ng hapon na dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Nasamsam ng mga pulis ang tatlong peso coins na gamit bilang pangara at P400 bet money habang nakuha naman kay ‘Angelo’ ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Nauna rito, huli rin sa akto ng rumespondeng mga tauhan ng Gen T De Leon Patrol Base 2, sina alyas “Jef” at alyas “”Epra” na naglalaro ng sugal na cara y cruz sa Rosario St., Brgy. Gen T De Leon bandang alas-11:30 ng umaga.

Nakuha sa kanila ang tatlong peso coins pangara at P335 bet money habang nakumpiska naman kay ‘Jef’ ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa P.D 1602 habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin pa ng dalawa sa kanila. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here