Home NATIONWIDE Garin, nanumpa sa harap ni PBBM bilang bagong Kalihim ng DOE

Garin, nanumpa sa harap ni PBBM bilang bagong Kalihim ng DOE

302
0

MANILA, Philippines – PINAMUNUAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes, ang panunumpa sa tungkulin ng dating mambabatas na si Sharon Garin bilang Kalihim ng Department of Energy (DoE).

Isinagawa ang oath taking ceremony, umaga ng Lunes, Hulyo 14 ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Si Garin, nagsilbi bilang DOE officer-in-charge simula May 2025, pinalitan si Raphael Lotilla, na itinalaga naman bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bago pa siya italaga bilang OIC, si Garin ay nagsilbi bilang undersecretary ng DOE simula 2022.

Si Garin ay nagtapos ng Bachelor of Science in Business Management (Accounting) mula sa University of the Philippines – Iloilo.

May tangan din si Garin ng isang Juris Doctor mula sa Ateneo de Manila University School of Law and a Master of Business Administration (MBA) mula ESADE Business School sa Spain.

Bago pa ang kanyang appointment bilang Kalihim ng DOE, naging kinatawan si Garin ng AAMBIS-Owa Partylist sa Mababang Kapulungan ng Kongreso mula 2010 hanggang 2022.

Nagsilbi rin siya bilang deputy speaker mula 2016 hanggang 2019, naging chairman ng House Committee on Economic Affairs mula 2019 hanggang 2020, at muli ay naging chairman ng nasabing komite mula 2021 hanggang 2022. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here