Home HOME BANNER STORY Fingerprint sa sasakyan ng pinatay na TNVS driver tugma sa isa sa...

Fingerprint sa sasakyan ng pinatay na TNVS driver tugma sa isa sa mga suspek

282
0

MANILA, Philippines – Tumugma ang fingerprint sa isa sa mga suspek mula sa bote ng tubig sa loob ng sasakyan ng napatay na TNVS driver, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes, Hulyo 14.

Ipinakita sa autopsy report na ang driver na si Raymond Cabrera ay sinaksak ng dalawang beses sa kaliwang bahagi ng dibdib sa Paranaque City noong Mayo na nagresulta ng kanyang pagkamatay.

Ang tatlong suspek, kabilang ang isa sa tumugma ang fingerprint ay boluntaryong sumuko kay Manila Mayor Isko Moreno -Domagoso noong Hulyo 10. Sila ay tinurn-over sa NBI.

Ang pagsuko ng mga suspek ay naging daan naman para mahanap ang lokasyon ng labi ni Cabrera.

Samantala, sinabi ni Dr. Romel Papa, ang assistant director ng Forensic and Scientific Research Service na isinailalim sa pagsusuri ang laman ng sasakyan at ang mga pamilya ng mga sangkot sa krimen.

“Consistent with the next of kin of Raymond Cabrera with a probability of 99.99%,” sabi ni Papa.

Sinabi ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin na isinasagawa na ang preliminary investigation para sa reklamong robbery with homicide. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here