Home HOME BANNER STORY Isyu ng ‘tanim buto’ sa paghahanap sa missing sabungeros sinupalpal ni Remulla

Isyu ng ‘tanim buto’ sa paghahanap sa missing sabungeros sinupalpal ni Remulla

298
0

MANILA, Philippines – Sinupalpal ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang mga alegasyon ng “tanim buto” sa nagpapatuloy na paghahanap sa labi ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.

Aniya, ang mga kritisismong ito ay “nonsense” na nag-uugat mula sa mga politikal na motibo at troll farms.

Matatandaang isinagawa ang paggalugad sa Taal Lake matapos na sabihin ng whistleblower na si Julie Patidongan na ang katawan ng mga nawawalang sabungero ay itinapon dito.

Sa ngayon ay may mga narekober na sako ang mga awtoridad na pinaniniwalaang naglalaman ng buto ng mga tao.

Isasagawa ang examination upang matukoy kung ang mga butong ito ay sa mga tao nga, bago isagawa naman ang DNA test upang malaman kung may tutugma ang mga ito sa pamilya ng mga sabungero.

Kasunod nito ay nagkaroon naman ng mga kritisismo sa social media nang sabihin nila na ang mga buto ay buo pa at nakalagay umano sa mga bagong sako.

“That is nothing. If I were to answer all of those criticisms, we might as well stop doing what we do,” ani Remulla.

Nanindigan naman si Remulla na nananatili umanong nakatutok ang pamahalaan sa imbestigasyon sa kabila ng mga humahadlang dito.

Iginiit pa ni Remulla na ang Department of Justice (DOJ) ay nagsasagawa ng complex Taal Lake investigation na may masusing proseso at hindi lamang bara-bara.

“The legal prospects that we need to clarify within our ranks have become clear. Because there is a sequence there, a logical flow that you need to follow. This can’t be done haphazardly,” anang opisyal.

Ani Remulla, sa mga susunod na araw, “the revelations are becoming clearer where they fit into the picture.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here