Home HOME BANNER STORY Mga nasa likod ng drug war iniugnay ni Remulla sa pagkawala ng...

Mga nasa likod ng drug war iniugnay ni Remulla sa pagkawala ng mga sabungero

316
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Department of Justice ang posibilidad na iisa lamang ang nasa likod ng kaso ng mga nawawalang sabungero at ang nangyaring extrajudicial killing sa kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na sa kanilang inisyal na pagsisiyasat, may mga parehong sangkot sa pagpatay ng tao sa drug war at sa e-sabong.

Inihalimbawa ng kalihim ang kaso sa Meycauayan, Bulacan kung saan ang mga naaresto na drug suspects ay may kinalaman din umano sa e-sabong.

Gayunman, aminado si Remulla na kailangan pa ang mas malinaw na ebidensya upang patunayan na may kaugnayan ang mga naging biltima noon ng EJK sa mga nawawala ngayon dahil sa sabong.

Samantala, nakatakdang makipagpulong si Remulla sa whistleblower na si Julie “Dondon” Patingan dahil marami pa aniya siyang katanungan.

Tiniyak naman ni Remulla na ang salaysay ni Patindongan ay patuloy na tumitibay
dahil sa mga corroborative evidence. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here