Home ENTERTAINMENT Andres, bet sundan ang yapak ni Aga!

Andres, bet sundan ang yapak ni Aga!

446
0

Manila, Philippines- Nasaksihan ni Yours Truly ang pagpasok sa showbiz industry ng model noon at aktor na si Aga Muhlach.

Pamangkin siya ng best friend ni Yours Truly, ang sikat na aktres noon na si Amalia Fuentes, now in heaven (RIP).

Mula sa pagiging teen heartthrob noong 1984 sa pelikulang Bagets, na ang theme song ay ang kantang “Just Got Lucky,” na angkop na paglalarawan sa naging buhay ng aktor na si Aga, ngayon ay multi awarded actor na siya at sikat pa rin hangang ngayon.

Kaya naman hindi na rin nakapagtataka na sumunod si Andres sa yapak ng kanyang daddy dearest na si Aga, bilang magaling na aktor, at ganu’n din sa kanyang mommy dearest na si Charlene Gonzalez, na dati ring aktres.

Last July 9 ay nagkaroon ng story conference ang movie na pagbibidahan ng gwapong aktor na si Andres at Ashtine Olviga.

Naibahagi sa nasabing event na si Andres, na masaya siya na ang first movie niya ay may pamagat na Minamahal at ang daddy dearest naman niya ay nagbida sa movie na may title na May Minamahal, noong 1993. Kasama roon si tita Aiko Melendez niya.

Kwento pa ni Andres, “Tapos ngayon, nakakatuwa na yung first movie ko rin with Direk JP and Ash, Minamahal, at siyempre, nagre-ready na kami ni Ash.

“Nagwo-workshop kami. It’s going to be a fun process and we’re gonna learn many new things especially since mga bago pa kami.”

Samantala, in just 24 hours nang ipalabas ang teaser ay nakakuha kagad ito ng million views. Kaya naman natanong din si Andres kung may pressure ba siyang nararamdaman.

Saad ni Andres. “Nung lumabas yung teaser, siyempre naman may pressure din kasi first lead role namin ito at first movie ko din ito.

“Pero importante din yung pressure na yon kung gusto mong gawin yung good performance.

“Or if you want to be on top of yourself, you need that pressure, and I think nakaka-help naman din.

“And siyempre naman, kinakabahan din ako,” kwento ni Andres habang naka-all smile na lalong lumabas ang kagwapuhan ng pinagsamang mukha nina Aga at Charlene.

Swak na swak ang love team ng Viva films called AshDres referring to Ashtine Olviga at Andres Mulach.

Sigurado si Yours Truly na maganda itong movie na ito na sa teaser pa lang ay panalo na, at hindi pa man nag-uumpisa ang shooting ng Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna, na launching movie nina Ashtine at Andres sa direction ni Jason Paul Laxamana, ay may playdate na. This coming September 24, 2025 ang cinema playdate ng Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.

Ang ‘Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna’ ay isang coming-of-age story na magtuturo sa atin kung paano magmahal, masaktan, at manindigan. Abangan ang isang bagong simula para sa tambalan nina Ashtine at Andres.

Kanta na nga lang tayo para mahawahan tayo ng pagiging lucky ni Andres ng team song ng Bagets, ng Just Got Lucky.

“Your technique It leaves me weak

“My heart knows It’s the beat I seek

“And I found it (Just got lucky)

“Oh yes, I found it (Just got lucky).”

Pak ganern. Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here