Home ENTERTAINMENT Ate Vi, may ibinuking kay Luis at Jessy!

Ate Vi, may ibinuking kay Luis at Jessy!

245
0

Manila, Philippines – Ibinuking ni Ate Vilma Santos na nakaplano na raw na sundan nina Luis Manzani at Jessy Mendiola ang anak na si Peanut, huh!

Sey pa ni Ate Vi, next year ay malamang na magkaroon na ng kapatid si Peanut.

Sayang naman kasi ang magandang lahi ng mag-asawang Luis at Jessy, huh!

Nabanggit din naman ni Ate Vi na kung si Luis ay nag-umpisa na sa kanyang TV show ay may seryeng ginagawa na rin si Jessy, huh!

Samantala, from Ate Vi mismo ay nakikipag-meeting na raw siya for a possible project.

Gusto raw niyang gawin ang nasabing proyekto pero sa ngayon, mas priority pa rin niya ang pagiging gobernador ng probinsiya ng Batangas.

Pero nangako naman si Ate Vi sa kanyang mga mahal na Vilmanians na sa three-year term niya as governor ay baka maisingit niya at makagawa siya ng kahit isang pelikula man lang.

Nilinaw naman agad ni Ate Vi na ang kasalukuyang pinag-aaralan niyang gagawin ay hindi yung proyekto with Coco Martin. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here