Home NATIONWIDE 682 OFWs mula Israel nakatanggap ng tulong mula sa DMW

682 OFWs mula Israel nakatanggap ng tulong mula sa DMW

243
0

MANILA, Philippines – Kabuuang 682 overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel ang nakatanggap ng financial assistance mula sa DMW Rapid Response Team (RRT) simula Hulyo 7.

Sa kanyang ulat kay DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, sinabi ni RRT Team Leader at DMW- NCR Director Falconi Millar na ang kanilang delegasyon ay dumating sa Israel noong Hulyo 7 at sinalubong ni Ambassador Aileen Mendiola.

Nakikipagtulungan ang RRT kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) team sa pagbisita at pamimigay ng emergency relief at tulong pinansyal sa mga OFW sa mga ospital, sa mga nasira ang mga apartment dahil sa mga pag-atake, at sa mga nawalan ng trabaho.

Sinabi ni Director Millar na may kabuuang 682 OFW ang nabigyan na ng tulong pinansyal ng RRT, kabilang ang 104 na manggagawang Pilipino sa Tiberias, humigit-kumulang dalawang oras mula sa Tel Aviv.

Sila ang pinakahuling nabigyan ng cash aid noong Hulyo 13.

Bago ang pagdating ng RRT, 188 OFWs ang nakatanggap na ng tulong pinansyal.

Sa kabuuan, nasa 870 na ang kabuuang bilang ng mga OFW na natulungan mula nang magsimula ang sigalot ng Iran-Israel.

Ang bahagi ng RRT sa kabuuang tulong ay humigit-kumulang 78.4% ng lahat ng pinansiyal na tulong na inilabas.

“We feel they have adjusted to the situation here, but, of course, psychosocial counseling on a regular basis is imperative,” sabi ni Director Millar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here