Home METRO Karagatan ng Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol

Karagatan ng Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol

247
0

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang baybayin ng Ilocos Norte, Martes, Hulyo 15 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang tectonic na lindol ay tumama sa 29 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Pasuquin sa lalim na 27 kilometro.

Ang pagyanig sa Ilocos Norte alas-10:38 ng umaga ay nagtala ng instrumental intensity 4 sa nasabing lugar at sa mga kalapit na lalawigan, sinabi ng seismology agency sa kanilang inisyal na bulletin.

Ang instrumental intensity ay nangangahulugan na ang lindol ay nakita at naitala ng mga intensity meter na naka-install sa mga lugar at maaaring maramdaman o hindi ng mga residente.

Inaasahang magkakaroon ng aftershocks sa lugar, babala nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here