Home ENTERTAINMENT Sequel ng Curacha, pinaplano na; Ivana, pwedeng magbida!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sequel ng Curacha, pinaplano na; Ivana, pwedeng magbida!July 15, 2025 16:352610 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga.Ito ang 1998 movie na idinirek ni Chito Roño kung saan ang bida’y si Rosanna Roces.Kasagsagan ‘yon ng kasikatan ng dating Seiko Films discovery na nakagradweyt sa paggawa ng mga sexy films.Sa ngayon, binabalak ni direk Chito na magkaroon ng sequel ito.Pero marami raw siyang requirements.Unang-una na nga’y kailangang mahigitan ng gaganap na bida ang ginawa ni Rosanna.“Mas, mas” nga ang paglalarawan ng award-winning director sa extent ng next Cora o Corazon, pangalan ng bida sa kuwento.Ang siste, panahon ng pandemya ang kuwento–kung saan marami ang mga ipinagbabawal.Kasama na rito ang pisikal na kontak, kung saan excused o hindi kasali ang magbibida sa Curacha.Isa ring importanteng requirement ay ang usapin tungkol sa budget.Ayon kay direk Chito, “payat” o kulang ang P20 million bilang cost of production.Hindi naman daw kasi sa mga kuwarto kukunan ang mga eksena.Ang ideal budget daw ay papalo ng P30 million.Out of the blue ay may nagbanggit sa pangalan ni Ivana Alawi.Natigilan sandali si direk Chito, sabay tanong kung willing bang magbuyangyang ng kanyang ari ang actress-vlogger.Samantala, inamin ng direktor na hindi si Osang ang first choice niya noon to play Curacha kundi si Gretchen Barretto. Ronnie Carrasco III