Manila, Philippines – Trending ang video clips kung saan makikitang nakiki-jam si Daniel Padilla sa ilang mga kaibigan at partygoers sa isang event.
Seen din ang aktor na sumasayaw kung saan kasama sa crowd ang “Incognito” costar na si Kaila Estrada.
Sa kaugnay na ganap, sighted din si DJ na habang kumakanta sa entablado ay may pa-low key remark siyang “congrats.”
Ito ay pagkatapos niyang magpasakalye ng lyrics ng kantang “Umuwi Ka Na Baby” ng Orange and Lemons kung saan idinugtong niya ito sa linyang, “Hindi mapigilang baka sa tagal mahulog ang loob mo sa iba,” ang nasabing remark.
Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na diumano’y binati raw ni Daniel sina Kathryn at ang dyowa nitong mayor sa low-key comment nito sa kasagsagan ng kontrobersya sa kanyang ex.
Samantala, marami namang kibitzers ang nirereto sila ni Kaila na diumano’y nagsabing bagay sila.
Ito ang random comments ng mga katkatera at sawsawera sa viral na clips.
“Congrats din Daniel. mukhang babango na ulit image mo.”
“Huli ka yorme.”
“I like Kaila for him, swak na swak ang vibes nila if they get together. Estrada-Padilla supremacy in showbiz.”
“Ayusin mo DJ kay Kaila, maayos na babae yan.”
“Mukhang totoo nga na nagkakamabutihan talaga sila. Good for them if ever.”
“I just hope may character development na si DJ this time bc honestly, that KN breakup really humbled him.
“Kaila naman, looks like a woman with substance. I think she knows what she’s doing and dealing with. Let’s see where this goes.”
“Reading the comments and people are shipping him to Kaila? Hahaha.
“Wala namang problem naisip ko lang mama niya Karla Estrada tas girlfriend niya si Kaila Estrada.”
“Upgrade naman si DJ if ever totoo rin ‘yong sa kanila ni Kaila na kasayaw niya sa first clip sa video lol.”
“Their body languages were very telling.”
“Hindi naman kasi kailangan magtago nila DJ at Kaila, they’re both single.” Archie Liao