Home METRO Pulis, natagpuang walang buhay sa schooling

Pulis, natagpuang walang buhay sa schooling

215
0

ISABELA, Philippines – Natagpuang patay ang isang pulis habang nasa schooling sa Regional Training Center (RTC) 2 sa Barangay Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Ang biktima ay may ranggong Police Senior Master Sergeant, 48-anyos, may-asawa, residente ng Brgy. San Leonardo, Aglipay, Quirino at kabilang sa Public Safety Senior Leadership Course (PSSLC) sa RTC 2.

Nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ng biktima na nakadapa sa pagitan ng patrol car at bakod sa loob ng training center.

Isinugod pa ang biktima sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival (DOA).

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na mayroong sakit na hypertension ang biktima at dalawang beses na ring inatake ng kanyang highblood.

Kaugnay nito, kumbinsido ang pamilya ng biktima na walang nangyaring foul play sa pagkamatay ng kanilang padre de pamilya kaya tumanggi na ring isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima.

Sa ngayon, nakaburol na sa bayan ng Hingyon, Ifugao ang labi ng biktima kung saan nakatira ang kanyang mga magulang. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here