MANILA, Philippines – PAIIGTINGIN ng Department of Education (DepEd) ang reporma nito sa basic education habang ang Pilipinas ay pumwesto sa pang-74 mula sa 177 bansa sa Global Education Futures Readiness Index (GEFRI) 2025.
Nakakuha kasi ang Pilipinas ng GEFRI score na 56.32 mula sa 100 — sinasabing pang-5 sa pinakamababa sa hanay ng Southeast Asian countries. Ang index measures kung paano ihanda ang education systems ay kailangang maharap ang ‘future challenges’ gaya ng ‘governance, infrastructure, innovation, at equitable access.’
“Philippines performs close to the global average across every GEFRI dimension,” ang nakasaad sa report ng GEFRI.
“While this provides an appearance of a measure of stability and adequacy among peers, it does not reflect the level of actualized ambition needed for future success. Much progress can still be made,” dagdag nito.
Bilang tugon, sinabi ng DepEd na nagkasa na ito ng reporma “to cater to future demands.”
Kabilang sa mga reporma ay ang paglikha ng Education Center for Artificial Intelligence Research, na ayon sa DepEd ay “is an initiative that will apply AI and data science to solve issues in teaching, planning and school management.”
Kabilang sa ilang produkto ng inisytaiba ay ang “Sigla,” isang mobile app upang i-automate ang growth monitoring ng mga mag-aaral; “Talino,” isang geospatial mapping tool na gagabay sa private sector engagement sa mga eskuwelahan at “Dunong,” isang dashboard na nag-aanalisa ng school leadership data para suportahan ang sunod-sunod na pagpa-plano.
Winika pa ng DepEd na isang chatbot system tinawag na “SALIKSeek” ay development din na naglalayong “to help its officials access internal data more efficiently,”habang ang mga tools gaya ng “Sabay” at “Ligtas” ay sinusubok para suportahan ang ‘cognitive screening at geohazard tracking.’
Maliban sa mga nasabing AI-assisted reforms, sinabi ng DepEd na naglunsad din ito ng open-data initiative Project Bukas na magpapahusay sa pagmo-monitor ng mga ‘school-level enrollment, resource inventory at learning outcomes.’
Sa gitna ng usapin na alisin na ang K-12 program, sinabi ng DepEd na muling isinasaayos nito ang senior high school (SHS) curriculum para isama sa programa ng integrate Technical-Vocational Education and Training.
“SHS graduates are also now eligible for first-level government positions,” ayon sa DepEd. Kris Jose