MANILA, Philippines – ISINASAGAWA na ang drilling operations para sa Malampaya Phase 4 Project.
Layon nito na matiyak ang seguridad sa enerhiya.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na kabilang sa proyekto ang paghuhukay sa tatlong bagong balon, ang Camago-3, Malampaya East-1, at Bagong Pag-asa-1.
Ang bawat balon ay may lalim na 3 kilometro, na inaasahan na magkaroon ng resulta bago matapos ang taon.
“We are hopeful, especially with Bagong Pag-asa. It’s still a prospect, but it looks promising,” aniya pa rin.
“Malampaya is 23 years old and used to supply 40% of Luzon’s electricity demand. That has since gone down to 20% as reserves have dwindled,” ayon sa Kalihim.
Aniya, nagsagawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang flyby inspection sa lugar nito lamang Hulyo 14 para tingnan ang progreso at magpahayag ng suporta sa nasabing inisyatiba.
Dagdag pa ni Garin, na ang paghuhukay ay isinagawa sa pamamagitan ng isang vessel na may pangalang Noble Viking, kung saan dumating sa bansa ilang linggo na ang nakalilipas.
Ang Malampaya project, na unang inilunsad noong 2001, ay dating nag-susupply ng hanggang 40% ng electricity demand sa Luzon.
Sa renewal ng contract hanggang February 22, 2039, magpapatuloy ang operasyon ng gas field para sa susunod pang 15 taon.
“Phase 4 development is expected to help stabilize electricity costs while complementing the government’s long-term goal of increasing renewable energy usage across the country,” ang sinabi ni Garin.
“This is an indigenous resource,” aniya sabay sabing “Even if there are wars elsewhere in the world, we can protect ourselves because this is ours—and we can manage the prices and supply ourselves.” Kris Jose