Home METRO Lolo tinaga ng utol sa selos

Lolo tinaga ng utol sa selos

237
0

CEBU CITY – SUGATAN ang isang 64-anyos na lolo matapos tagain ng kanyang kapatid dahil sa selos, iniulat sa lungsod ng Toledo.

Nilapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Ben Alegado, balo, magsasaka, habang nadakip ang kapatid nitong si Pantaleon Alegado, 62, kapwa residente ng Sitio Maypis, Barangay Captain Claudio, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Toledo City Police station, bandang 9:30PM naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang biktima kasama ang mga kaanak at dating nobya ng suspek na nakilalang si Inday Marie na kararating lamang galing Maynila.

Sa gitna ng inuman, dumating ang suspek sa bahay ng kanyang kapatid (biktima) at nakita nitong nakaupo ang dating nobya sa tabi ng huli.

Dito, sumiklab ang selos ng suspek kaya kumuha ito ng itak at tinaga sa ulo at kamay ang biktima saka tumakas.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas habang nahuli naman ng mga pulis ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation.

Sa pahayag ng biktima hindi na siya magsasampa ng kaso laban sa kanyang kapatid./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here