Home METRO Bebot na HVI timbog sa illegal na droga

Bebot na HVI timbog sa illegal na droga

200
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang babeng tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Miyerkules ng umaga, Hulyo 16.

Kinilala ni P/Capt. Regie Pobadora, OIC chief ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang naarestong suspek na si alyas “Reign”, 25, ng Caloocan City na mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Jerry Protacio, sinabi ni Capt. Pobadora na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek.

Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng DDEU, agad nilang ikinasa ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.

Matapos matanggap ang signal mula sa kanilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na positibo na ang kanilang transaksyon, agad lumapit ang mga operatiba ng DDEU saka dinakip ang suspek dakong alas-6:33 ng umaga sa Brgy. Tugatog, ng lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na estimated standard drug price value na P340,000.00 at buy bust money. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here