Home NATIONWIDE Driver napisak sa bumagsak na dump box ng trak

Driver napisak sa bumagsak na dump box ng trak

212
0

QUEZON, Nueva Vizcaya – Agad na binawian ng buhay ang 49-anyos na backhoe operator ng Munisipyo ng Quezon, Nueva Vizcaya matapos maipit ng bumagsak na dump-box ng dump trak na kanyang inaayos umaga ng Miyerkules, Hulyo 16.

Una rito, pinapalitan ng biktima ang langis ng dump-box nang maganap ang insidente habang itinatali ito sa isang backhoe ngunit habang pinapalitan ang langis ay kumalas ang tali at nabagsakan ang biktima na nasa gitna ng sasakyan.

Kung kaya’t puno ng pighati at kalungkutan habang pinaglalamayan na sa ngayon ng kanyang pamilya’t kamag-anak ang biktima. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here