Home METRO PBBM hinimok palagan ‘bullying tactics’ ni Trump sa taripa

PBBM hinimok palagan ‘bullying tactics’ ni Trump sa taripa

631
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang koalisyon ng mga grupo ng mga magsasaka at manggagawa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na labanan ang tinatawag nitong “bullying tactics” ni United States (US) President Donald Trump.

Nangyari ito matapos magpasya ang US na magpataw ng 20 porsiyentong taripa sa mga import mula sa Pilipinas, sa kabila ng pagsisikap ng Maynila at “constant engagements.”

Kinumpirma kamakailan ng Department of Trade and Industry na nakatanggap ito ng komunikasyon hinggil sa desisyon, habang ipinaalam ni Trump kay Marcos ang bagong taripa na ipapatupad sa Agosto 1, 2025.

Sa isang pahayag, ikinalungkot ng Federation of Free Farmers (FFF) at ng National Trade Union Congress of the Philippines (NTUC PHL) ang pagpataw ng taripa ng US.

Iginiit ng coalition, “renders hollow the recent assurances of top US officials such as State Secretary Marco Rubio and Defense Secretary Pete Rubio that the US maintains an iron-clad commitment to its defense, security and economic alliance and partnership with the Philippines”.

Binigyang-diin ni FFF Chair Leonardo Montemayor at NTUC PHL President Milagros Ogalinda na ang 20 porsiyentong taripa ay magkakaroon ng malaking epekto sa mga export ng Pilipinas at gastos at presyo ng pag-import ng US, kahit na ito ay mas mababa kaysa sa mga taripa sa ibang mga bansa sa Asya.

“By impeding our agricultural and industrial exports, Trump’s tariffs will curtail jobs and incomes for millions of Filipinos and weaken the country’s economic base. This will, in turn, undermine our national security,” saad ng mga opisyal ng unyon sa isang pahayag noong Martes.

Dagdag pa ni Montemayor at Ogalinda sakaling magkabisa na ang 20 porsiyentong taripa ng US, tataas ang mga gastos para sa mga importer ng US, na hahantong sa “eroding the relative competitiveness of Philippine exports, decreasing demand, and leading to job losses in US-oriented Philippine sectors – primarily electronics, fats and oils, leather apparel, furniture and agriculture.”

“This is a cause for concern, given geopolitical challenges, global economic slowdown and uncertainties, disruptions in international supply chains and shipping, and probable retaliatory measures from other countries,” pinunto nila.

Napansin din ng koalisyon na noong 2024, ang mga export ng Pilipinas sa US ay umabot sa $12.1 bilyon. Ito ay pinangungunahan ng mga produktong elektroniko sa humigit-kumulang $6.4 bilyon, kabilang ang mga integrated circuit at mga kaugnay na bahagi.

Ang iba pang pangunahing exports ng Pilipinas sa US ay makinarya, taba/mantika, mga produktong gawa sa balat at produktong pang-agrikultura.

“Although the Philippines had an over-all trade surplus of $4.9 billion over the US, the latter enjoyed a $1.95 billion advantage in agricultural trade,” saad ng koalisyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here