Nagtalumpati si Senador Joel Villanueva sa graduation ceremony ng 873 nagsipagtapos mula sa College of Information Communications Technology at College of Science ng Bulacan State University sa KB Gymnasium, Malolos, Bulacan, Huwebes, Hulyo 17, 2025.


Hinikayat niya ang mga estudyante na maging bukas sa paggamit ng artificial intelligence at automation sa pamamagitan ng patuloy na pagkatuto upang makasabay sa pagbabago ng merkado ng trabaho.







