Home METRO Estudyante dedo sa pamamaril sa Calamba CityMETRONATIONWIDETOP STORIES Estudyante dedo sa pamamaril sa Calamba CityJuly 17, 2025 18:132880 FacebookTwitterPinterestWhatsApp LAGUNA, Philippines – Patay ang isang 17-anyos na estudyante sa Purok 7, Barangay Parian, Calamba, nitong Huwebes, Hulyo 17.Kinilala ng pulisya ang biktima na si JP.Ayon sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima nang sumulpot ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril ito.Namatay on the spot si JP dahil sa maraming tama ng bala.Ang isang suspek ay nakasuot ng T-shirt, cap, at six-pocket shorts. Ang isa pang suspek ay nakasuot ng T-shirt, baseball cap, at shorts.Tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Barangay Uno.Sinusuri ng pulisya ang mga surveillance footage at nagsasagawa ng follow-up na imbestigasyon ukol dito. RNT/MND