Home METRO 418K W. Visayas studes, hinagip ni Crising

418K W. Visayas studes, hinagip ni Crising

221
0

AKLAN, Philippines – Ipinatigil ng tropical depression “Crising” ang klase sa mahigit 418,000 estudyante sa Western Visayas region nitong Huwebes, Hulyo 17.

Iniulat ng Department of Education-6 na 1,322 na paaralan sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at lalawigan ng Iloilo gayundin sa regional capital ng Iloilo City ang nagsuspinde ng klase dahil sa malakas na ulan at pagbaha.

Ang Iloilo ang may pinakamataas na bilang ng mga estudyanteng naapektuhan na may 185,597 sa 576 na paaralan sa 21 munisipalidad at ang component city ng Passi.

Apektado sa Antique ang 131,833 estudyante sa 539 na paaralan sa 18 bayan.

Sa Iloilo City, 77,686 na estudyante sa 66 na paaralan ang naapektuhan.

Sa Capiz, 23,329 sa 141 na paaralan sa limang munisipalidad ang walang klase.

Ayon sa DepEd-6 Information Officer Hernani Escular Jr., inilipat ang klase sa Alternative Delivery Mode. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here