MANILA, Philippines – Nasawi ang 26-anyos na single mom at online seller matapos pagbabarilin ng tatlong beses sa likod sa inuupahang apartment sa Barangay Madaum, Tagum City nitong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, kinilala ang biktimang si Seannen Gellangarin na sapilitang pinasok ng suspek na kinilalang si “Joji,” 49, sa kanyang bahay bago pagbabarilin ang biktima.
Inamin ng suspek na selos ang motibo, dahil kahit wala umano silang ‘label’ ay sinusuportahan niya umano ang biktima at nagselos sa tatlong lalaking nakitang kainuman nito.
Nahuli ang suspek sa Panabo City, kung saan nasamsam ang baril at hinihinalang shabu. Nahaharap siya sa patong-patong na kaso, kabilang ang murder. Santi Celario