Home ENTERTAINMENT Ulat na cancer-free si Kris, fake news!

Ulat na cancer-free si Kris, fake news!

261
0

Manila, Philippines – Pinalagan ng kampo ni Kris Aquino ang mga recent posts na nagsasabing idineklara siyang cancer-free.

Agad naglabas ng paglilinaw ang side ng Queen of All Media stressing the fact that at no point was she diagnosed with cancer.

Ang karamdaman ni Kris–paggigiit ng kampo nito–ay autoimmune disease.

Ang latest, nadadagdagan nang nadadagdagan ang timbang ni Kris.

Her lowest weight ay 82 lbs.

The good news is that sa ngayon ay pumalo o umakyat na ito ng 112 lbs.

Gayunpaman, hindi pa rin ganap ang kasiyahan ni Kris.

While she continues to gain weight ay wala pa ring pagbabago sa kanyang mga hita’t braso.

Himutok ni Kris: “My legs and arms are still skinny!”

Ininda rin daw kamakailan ni Kris ang kawalan ng appetite o ganang kumain.

Ewan kung may kunek ito sa kanyang pagkakatumba sa banyo as her behind fell on the floor.

Despite this, saksi ang malapit na kaibigan at dating tabloid editor na si Dindo Balares na pilit daw kinakaya ni Kris ang pinagdadaanang hirap. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here