MANILA, Philippines – Mahigit 30 indibidwal ang iniimbestigahan kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero mula 2021 hanggang 2022, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes.
Nakipagpulong si Remulla kay whistleblower Julie “Dondon” Patidongan, na nagsabing mahigit 100 sabungero ang dinukot, pinatay, at itinapon sa Taal Lake. May mga narekober nang buto na pinaniniwalaang mula sa tao.
Gumagawa ang DOJ ng DNA bank para matukoy ang mga biktima at nanawagan sa mga pamilya ng nawawala na makipag-ugnayan.
Labinlimang pulis na sangkot umano sa pagpatay ay nasa restricted duty. “So far so good. [The witness is] very reliable,” ani Remulla. RNT