MANILA, Philippines – Naghain si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ng resolusyon para imbestigahan ng Senado ang epekto ng pagpapahintulot ng commercial fishing sa loob ng 15-kilometrong municipal waters sa maliliit na mangingisda, yamang-dagat, at seguridad sa pagkain.
Kasunod ito ng desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa ilang probisyon ng Philippine Fisheries Code na naglilimita ng municipal waters para lamang sa maliliit na mangingisda.
Binigyang-diin ni Pangilinan na mahalaga ang 15-km zone para sa pangangalaga ng yamang-dagat at kabuhayan ng mga pamayanang baybayin.
“This is about protecting the very communities who have long been the stewards of our seas,” aniya, sabay sabing maaaring magbunga ng mga batas para protektahan ang karapatan ng mga mangingisda ang imbestigasyon.
Naghain din ang BFAR ng mosyon para muling repasuhin ang desisyon ng SC. RNT