Home METRO ₱5.4M smuggled na sigarilyo, nasamsam

₱5.4M smuggled na sigarilyo, nasamsam

479
0

SURIGAO CITY – Nakumpiska ng mga awtoridad ang ₱4.8 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo mula sa dalawang nadakip na suspek, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Ayon sa Surigao del Norte Maritime Police Station (SDN-MARPSTA), inilatag ang operasyon noong Martes kasama ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), Bureau of Customs-Surigao Port, at lokal na pulisya sa Lipata Ferry Terminal.

Nakuha sa dalawang suspek, na lulan ng isang 10-wheeler truck, ang tinatayang 9,600 reams ng ipinuslit na sigarilyo.

Sinabi ng SDN-MARPSTA na ang mga kargang sigarilyo ng dalawang suspek, na hindi pinangalanan, ay walang health warning at tax stamp. Galing ito sa General Santos City at patungo sana sa Cavite.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 8424 (Pag-amyenda sa National Internal Revenue Code), RA No. 10863 (Modernisasyon ng Customs at Tariff Administration), at RA No. 10643 (Pagpapalaganap ng Kamalayang Pangkalusugan sa Pamamagitan ng Babala sa Produkto ng Tabako).

Samantala, umaabot sa mahigit ₱620,000 ang halaga ng smuggled na sigarilyo na galing China ang nasabat ng mga kapulisan sa isinagawang random checkpoint sa Tactac, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Isang van na may kargang 59 kahon ng hinihinalang smuggled na sigarilyo mula China ang nasabat, at agad na inaresto ang dalawang katao kabilang ang drayber. Kapwa ang mga ito ay nasa tamang edad at residente ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nagsasagawa ang awtoridad ng anti-criminality checkpoint kagabi nang maharang ang isang van. Pinara umano ito para sa random checkpoint at tinanong kung ano ang laman ng mga kahon na nakitang karga sa likuran ng sasakyan.

Napag-alaman na galing Cabanatuan City ang mga kontrabando at patungo sana sa Maddela, Quirino upang i-deliver ang mga sigarilyo. (Mary Anne Sapico/Rey Velasco)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here