Home METRO Estudyante kinatay sa Isabela; P500K reward alok ni Tulfo

Estudyante kinatay sa Isabela; P500K reward alok ni Tulfo

247
0

SAN MATEO, Isabela – Nag-alok si Sen. Raffy Tulfo ng ₱500,000 reward money sa sinumang makapagbibigay ng lehitimong impormasyon at makapagturo upang matukoy at mahuli ang salarin sa pagpatay sa isang estudyante.

Kinilala ang biktimang si Maehyezine Concepcion, estudyante ng Ifugao State University, na natagpuang patay at nakabalot sa kumot sa bayan ng San Mateo, Isabela noong Marso 11, 2025.

Batay sa pagsisiyasat ng Alfonso Lista Police Station, may dalawang Person of Interest (POI) na sa kaso, kabilang ang tiyuhin ng biktima na si Ali Ahmed na umano’y nakarelasyon ni Maehyezine, kung saan natagpuan umano malapit sa bahay ni Ahmed ang motorsiklo na sinasakyang umalis ng biktima.

Kinumpirma rin ng ina ng biktima na may natanggap siyang harassment messages mula kay Ahmed, at minsan ay niyaya pa umano nito si Maehyezine na tumakas patungong Maynila.

Dahil dito, iminungkahi ni Sen. Tulfo na isali sa mga POI si Ahmed at makipag-ugnayan na ang PNP sa CIDG upang mapabilis ang imbestigasyon at maisailalim sa polygraph test ang mga sangkot.

Samantala, umaasa ang pamilya Concepcion na sa tulong ng kalahating milyong pisong pabuya ay may lumantad na saksi upang tuluyang mabigyang-katarungan ang pagkamatay ng estudyanteng biktima.

(Rey Velasco)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here