Home OPINION 20 PORSYENTONG BUWIS SA INTERES NG IPON SA BANGKO HINDI MAKATARUNGAN

20 PORSYENTONG BUWIS SA INTERES NG IPON SA BANGKO HINDI MAKATARUNGAN

272
0

MALAMANG marami sa depositors ang aalisin na sa bangko ang kanilang ipon dahil sa pagpapataw ng dalawampung (20) porsyentong buwis sa interes na kinita ng perang itinabi.

Napakaliit na nga ng ibinibigay na interes ng mga bangko sa saving at time deposits kabilang na ang foreign currency deposits tapos papatawan pa ng 20 porsyento ng pamahalaan.

Ano na lang ang kinita ng salaping inimpok ng depositor?

Simula kasi nitong Hulyo 1, ipinatupad na ang Republic Act 12214 o Capital Markets Efficiency Promotion Act na layon umanong gawing simple at patas ang buwis 20% pa rin ang withholding tax nito na dati naman kapag limang taon na ang deposito ay walang kinakaltas na buwis mula rito.

Ang masaklap, ginawa pang TANGA ni Finance Secretary ang mga depositor sa pagsasabing fake news ang mga lumalabas na balita.

Sabi ni Recto, tanging interest lang ng kinikita ng ipon ng depositor ang bubuwisan sa pagpapatupad ng CMEPA.

Nililinlang mo ang mga tao. Naiintindihan naman na tanging ang kita ng kanilang pera sa bangko ang bubuwisan ng 20 porsyento na para sa depositor ay napakalaki. Batid ng mga ito na may buwis noon pa man ang kita ng kanilang perang sa bangko pero hindi naman dapat na 20 porsyento.

Ipinaliwanag ni Recto na hindi magagalaw o papatawan ng buwis ang kabuuang pera ng depositors na nasa bangko. Aba’y dapat lang. Kung ang pera sa bangko ay mula sa sweldo, kinaltasan na ng buwis iyon. Kaya’t kung kakaltasan pa ay para na ang gobyerno na bampira.

Sobra-sobra na ang ginagawang panggagatas sa mamamayan lalo na sa ang katayuan ay nasa middle class.

Kaya nga marami ang galit kay Recto sapagkat sa tuwi-tuwina na kailangan ng gobyerno ang pondo o salapi para sa iba’t ibang proyekto, ang mga mamamayan nasa middle class ang nagsasakripisyo.

Aba, dapat mabatid nitong gobyerno lalo na ang administrasyon na ang middle class ang gulugod ng ekonomiya ng bansa kaya’t hindi sila dapat abusuhin.

Para makabawi ang mga mamamayan kay Recto, isumbong n’yo kay Batangas Governor Vilma Santos para mapingot ang tenga nang hindi na buwis lagi ang itataas para lang magkaroon ng pera ang pamahalaan.

Ilang taon na lang eleksyon na naman! Baka magkaroon ang mga Recto ng problema sa boto.

Happy birthday to my only brother, retired PEMS MAURICIO BOTONES JR who is celebrating his 60th today.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here