Home OPINION MASAMANG ULAN HANGGANG HULYO 31

MASAMANG ULAN HANGGANG HULYO 31

210
0

ASAHAN na natin ang katakot-takot na problema sa lansangan, negosyo o hanapbuhay, eskwela at marami pang iba hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Ito’y dahil sa sinasabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na sama ng panahon mula kahapon hanggang sa Hulyo 31, 2025.

Kahapon, sinasalanta ni bagyong Crising ang halos buong northern Luzon sa dala nitong tuloy-tuloy na pag-ulan at signal storm nito na number 2 sa Ilocos, northern Cordillera, Batanes at Isabela at number 1 sa La Union, southern Cordillera, Pangasinan at ilang lalawigan ng Central Luzon gaya ng Nueva Ecija at Aurora at Quezon na nasa Timog Catagalugan.

Ngayon naman, may mga puyo o umiikot na tubig at hangin sa norteng bahagi ng Philippine Area of Responsibility at posibleng maging sa bagyo mula kahapon hanggang Hulyo 25.

May isa ring puyo ng tubig at hangin sa loob pa rin ng PAR sa norte at patungo ito sa Taiwan ngunit hindi magiging bagyo.

May ikatlong puyo pa ring namataan ngunit bahagi na umano ito ni Crising na sa araw na ito at medyo nakalabas na sa PAR.

Tuloy-tuloy naman ang habagat sa buong bansa.

Ang tiyak sa ganitong kalagayan ng panahon, katakot-takot na trapik ang isang bunga dahil sa baha kahit saan.

At alam na natin lahat ang masasamang epekto nito gaya ng stress at sobrang gastos sa langis sa parte ng mga motorista, ng pagkakasakit, ng wala sa oras na delivery o pagkuha ng mga kalakal na nakasasamna sa ekonomiya, ng harang sa serbisyo ng mga nasa gobyerno at iba pa.

Naririyan din ang “no classes” sa libo-libong estudyante at hindi magamit ang mga online class dahil patay-sindi ang mga wifi o kuryente.

Sa kabila ng mga kamalasang dala ng ulan, ituring na lang natin ating mga sarili na magsasaka na umaasa ng magandang pagtatanim-pag-aani sa ilalim ng ulan na ikinabubuhay nating lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here