Home OPINION ANYARE SA BILIB, NAGTITIWALA KAY PBBM?

ANYARE SA BILIB, NAGTITIWALA KAY PBBM?

2
0

DALAWANG magkasunod na sarbey ang lumitaw nitong nagdaang mga araw lamang at bagsak na bagsak ang grado o rating ng buong administrasyong Marcos at ni Pangulong Bongbong Marcos mismo.

Sa sarbey ng Social Weather Station noong Setyembre 21-27, 2026 na may respondent na 1,500 adult, nakakuha ng botong -4 si Pang. Marcos at kanyang buong gabinete.

Kinuwenta ito sa satisfied na 42% at minenos ang dissatisfied na 38.

Inilabas ang resulta ng sarbey mismo nitong Nobyembre 15 na pagsisimula ng 49th Association of East Asian Nations Summits na magtatapos ngayong araw.

Sa OCTA Research naman noong Setyembre 28-Oktubre 4 at inilabas nitong Nobyembre 11-12, lumaki ang performance dissatisfaction kay Marcos mula 33% tungo sa 36% habang bumaba ang satisfied ng 44% mula 47% noong Hulyo.

Sa pagtitiwala kay Marcos, lumaki rin ang hindi pagtitiwala mula 32% sa 36% at ang pagtitiwala, bumagsak din mula 47 sa 44%.

Nang manalo si Marcos bilang Pangulo noong 2022 presidential elections, nagkaroon siya ng 31.6 milyong bumilib at nagtiwala sa kanya at sa bubuuin niyang gabinete.

Ngunit ngayon, nabura ang 31.6M boto at bumagsak pa sa negative 4 ang pagiging bilib at happy ng mga mamamayan kay Marcos sa SWS sarbey.

Nakababahala rin sa OCTA Research sarbey na dumami ang hindi hindi bilib kay Marcos sa mga ginagawa nito at kakambal nito ang lumaki ring hindi nagtitiwala mismo sa kanya.

Nangangahulugan lahat ng sarbey na ampaw ang mga laban ni Marcos, at gobyerno nito, sa korapsyon, mahal na bilihin, kawalan o kakulangan sa trabaho, kagutuman, kahirapan at iba pa.

Kung iisipin, 1 taon at 7 buwan na lamang ang nalalabing panahon ng panunungkulan ni Marcos at kanyang administrasyon.

Paano kung magpatuloy ang ganitong pananaw ng mga mamamayan hanggang sa 2028?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here