Home METRO 2 lalaki, dedo sa tumumbang puno sa Camarines Sur

2 lalaki, dedo sa tumumbang puno sa Camarines Sur

262
0

LEGAZPI CITY, Philippines – Patay ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo sa pagtumba ng puno sa Gov. Fuentebella Highway sa Barangay Moriones, bayan ng Ocampo, lalawigan ng Camarines Sur, nitong Biyernes, Hulyo 18.

Kinilala ni Police Lt. Col. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office-5 ang mga biktima na sina Christian, 36, at Freddy Mar, 33, residente ng San Isidro, Naga City.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang puno ng acacia ang biglang tumilapon at direktang nahulog sa kanila.

Dinala sila sa ospital kung saan idineklara silang patay dahil sa malubhang pinsala.

Patuloy ang follow-up na imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here