Home METRO State of Calamity idineklara sa Cebu City

State of Calamity idineklara sa Cebu City

274
0

CEBU CITY, Philippines – Idineklara ang state of calamity sa Cebu City kasunod ng malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaprubahan ng Cebu City Council, sa isang emergency session nitong Biyernes, Hulyo 18, ang rekomendasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Council na isailalim ang lungsod sa state of calamity.

Sinabi ni Mayor Nestor Archival Sr. na ang paglalagay ng lungsod sa ilalim ng state of calamity ay makatutulong sa pagsusumikap sa pagbawas sa baha tulad ng pagkukumpuni, pag-desilting, at pagbabawas ng mga daluyan ng tubig sa mga kritikal na lugar.

“This declaration is not just a response to recent flooding but part of our proactive preparations from now until December, as we anticipate more weather disturbances in the coming months,” saad ni Archival.

Sa sama ng panahon, inirekomenda ni Archival na ang City Command Center ay bantayan 24/7 upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa emerhensiya.

Ibinunyag ng DRRMC na ang lungsod ay mayroon pa ring P61 milyon na quick response funds na gagamitin para suportahan ang mga emergency operations.

Ang southwest monsoon o ‘’habagat,’’ na pinalakas ng tropical storm na ‘’Crising,’’ ay nagdulot ng malakas na pag-ulan dito.
Hanggang baywang ang baha sa mabababang barangay at pagguho ng lupa sa buong lungsod.

“We should prepare now. We could still face eight to 10 typhoons from now until December. We don’t have enough equipment. That’s why we’re declaring a state of calamity,” ani Archival.

Sinabi ni Konsehal Dave Tumulak, pinuno ng disaster council, na isinaaktibo na ng lungsod ang Incident Command System nito, na malapit na makikipagtulungan sa mga barangay.

Nakaranas ng malakas na ulan ang lungsod nitong Martes, na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang lugar. Walang naiulat na nasawi.

“That’s something to be thankful for,” ayon kay Tumulak. “We are addressing the gaps and reinforcing communication systems, especially in mountain barangays.”

Ayon sa Department of Social Welfare and Services, 62 pamilya o 263 indibidwal mula sa Barangay Cogon Pardo ang naapektuhan ng baha. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here