Home METRO Cagayan, niyanig ng magnitude 5.3 na lindolMETRONATIONWIDETOP STORIES Cagayan, niyanig ng magnitude 5.3 na lindolJuly 19, 2025 11:092460 FacebookTwitterPinterestWhatsApp CAGAYAN, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Calayan, Cagayan nitong Sabado, Hulyo 19 ng umaga.Naganap ang lindol alas-9:34 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).Ang epicenter ng lindol ay matatagpuan sa 19.13°N, 121.33°E – 013 km N 79°E ng Dalupiri Island.Ang lindol ay may lalim na 10 km at tectonic ang pinagmulan.Naramdaman ang pagyanig sa Claveria, Cagayan, sabi ng PHIVOLCS.Walang naitalang pinsala sa lindol, ngunit nagbabala ang PHIVOLCS sa mga posibleng aftershocks. RNT/MND