MANILA, Philippines – Para matiyak ang seguridad nagho-host ang QCPD ng panghuling Inter-Agency Conference at Exercises para sa 4th Sona 2025.
Alinsunod sa nalalapit na 4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr., idinaos ng QCPD ang Final Inter-Agency Coordinating Conference sa paghahanda sa seguridad at deployment plans na pinangunahan ni PMGEN ANTHONY ABERIN, RD, NCRPO.
Pinag sama-sama ng kumperensya ang mga pangunahing kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga yunit ng pagpapatupad ng batas na kasama sa pagtiyak ng isang ligtas at maayos na SONA 2025.
Nakatuon ang mga talakayan sa pagsasapinal ng mga estratehiya sa deployment, mga protocol ng koordinasyon, at magkasanib na mekanismo ng pagtugon upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad bago, habang, at pagkatapos ng talumpati ng Pangulo.
Pagkatapos ng kumperensya, isinagawa ang contingency planning, simulation exercises, at tabletop exercises para masuri ang kahandaan at matugunan ang mga posibleng senaryo na maaaring lumitaw sa panahon ng kaganapan.
Sa kanyang welcome remarks, sinabi ni PCOL Randy Glen Silvio, “Sa pamamagitan ng simulation at tabletop exercises na ito, hindi lang tayo naghahanda para sa isang event, pinapalakas natin ang mga sistema, nililinaw ang mga responsibilidad, at tinitiyak na tayo ay kumikilos bilang isang coordinated force sa pag-iingat hindi lamang sa pangulo at sa mga pinuno ng bansa, kundi sa mismong integridad ng ating mga demokratikong institusyon.”
Kaugnay nito nabatid kay PBGEN ELMO SAN DIEGO (Ret.), Head ng Department of Public Order and Safety (DPOS), pinaalalahanan nya ang mga law enforcement na manatiling responsable at panatilihin ang karapatan sa pagtitipon “to remain flexible and responsive.”
Samantala sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Randy Glenn Silvio nananatili itong nakatuon sa pagtataguyod ng mandato nito na protektahan ang publiko. (Santi Celario)