Home METRO Transport groups umalma sa muling pagpapatupad ng NCAP sa Maynila

Transport groups umalma sa muling pagpapatupad ng NCAP sa Maynila

4
0

MANILA, Philippines – Muling umalma ang iba’t-ibang transport groups sa muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa ilang lungsod sa Maynila. 

Iginiit ng National Public Transport Coalition (NPTC) sa kanilang press conference ngayong umaga sa National Press Club (NPC)  na dapat munang linawin ang  mga patakaran na naakapaloob sa NCAP. 

Ayon sa transport group, nais nilang malaman kung sino ang pribadong kumpaniya na hawak at sino ang nagdedesisyon nito 

Bukod pa rito, paano nila malalaman ang mga guidelines sa mga paglabag .

Giit pa nila, dapat rin matukoy kung sino ang mananagot kapag nagkaroon ng technical error o maling idenfication lalo na’t walang inaanunsiyo ang MMDA. 

Nais  rin nilang matiyak ang transparency at integridad ng mga ebidensiyang gagamitin sa paghuhuli kung saan wala rin naman naganap na public consultation bago at habang ipinapatupad ang polisoya. 

Bagamat hindi sila tutol sa pagpapatupad ng NCAP pero dapat ay maging malinaw ang patakaran nito kaya’t hiling nila na suspendihin muna ito at magkaroon ng tamang konsultasyon sa transport sector. 

Dagdag pa nila, tila hindi napapanahon ang pagpapatupad ng NCAP lalo na’t hirap ang kasalukuyan sitwasyon ng ilang transport sector bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here