Home HOME BANNER STORY Libreng sakay sa MM, ipinagpatuloy sa gitna ng transport strike

Libreng sakay sa MM, ipinagpatuloy sa gitna ng transport strike

1
0

MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes ang libreng sakay para sa mga commuter sa Metro Manila upang maibsan ang epekto ng transport strike ng grupong Manibela.

Mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi magbibigay ng libreng biyahe ang mga sasakyan ng DOTr at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Saklaw ng libreng sakay ang mga ruta ng Quiapo-Cubao, Quiapo, Doña Carmen, Commonwealth, Quiapo-Fairview, Taft (Buendia)-Alabang, at Commonwealth-Cubao sa pamamagitan ng East Avenue at V. Luna.

Sinimulan ng DOTr ang libreng sakay nitong Lunes, kasabay ng unang araw ng 2-day transport strike ng Manibela.

Pinangunahan ni Manibela president Mar Valbuena ang kilos-protesta sa labas ng Land Transportation Office (LTO) bilang pagtutol sa napipintong pagpapalit kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao.

Ipinagtanggol ng grupo si Lacanilao at binanggit ang mga repormang ipinatupad nito, kabilang ang pagpapahusay sa paghahatid ng serbisyo ng ahensya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here