Home LIFESTYLE HEALTH Dengue sa Maynila pumalo na sa 3,555; 38 bagong kaso naitala nitong...

Dengue sa Maynila pumalo na sa 3,555; 38 bagong kaso naitala nitong Oktubre 5

4
0

MANILA, Philippines – Tumaas pa ang kaso ng dengue sa Maynila matapos makapagtala ng 38 bagong impeksyon nitong Oktubre 5, dahilan para umakyat sa 3,555 ang kabuuang kaso simula Enero 1.

Batay ito sa pinakabagong Daily Reporting of W.I.L.D. Diseases ng Manila Health Department (MHD) na sumasaklaw sa Jan. 1 hanggang Oct. 5, 2026.

Bukod sa dengue, nakapagtala rin ang lungsod ng 23 bagong kaso ng influenza-like illness (ILI)– kabuuang 2,100 ; 5 bagong kaso ng severe acute respiratory infection (SARI) – kabuuang 478.

Nakapagtala rin ng  1,612 kaso ng Leptospirosis  na patuloy na minomonitor.

Saklaw ng W.I.L.D. monitoring ang waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis, dengue, COVID-19 at iba pang respiratory infections.

Paalala ng MHD sa publiko na manatiling mapagmatyag, panatilihin ang tamang hygiene, at agad magpakonsulta kapag nakaranas ng sintomas ng dengue tulad ng mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, pagduduwal, pagsusuka o pantal.

Mahalaga rin ang maagang konsultasyon sa hinihinalang leptospirosis, lalo na sa mga nalubog sa baha. Patuloy na namimigay nang libre ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng doxycycline sa mga district hospital at health center para sa mga nalantad sa baha.

Patuloy na nagmo-monitor ang MHD at araw-araw na naglalabas ng update sa W.I.L.D. diseases sa lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here