Home METRO Higit 1,000 stranded sa pantalan, hagip ni Crising -PCG

Higit 1,000 stranded sa pantalan, hagip ni Crising -PCG

173
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala na ng mahigit isang libong stranded ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ibat-ibang pantalan sa bansa bunsod ng paghagupit ng bagyong Crising.

Sa maritime safety advisory ng PCG ngayong umaga, umabot sa 1,280 pasahero, truck drivers, cargo helpers ang stranded.

Stranded din ang 400 rolling cargoes , 49 vessels at 7 motorbancas.

Habang nakisilong naman sa ligtas na lugar ang 43 pang vessels at 39 motrbancas.

Kabilang sa mga pantalan na apektado ang byahe ng mga sasakyang pandagat ay sa Southwestern Mindanao, Central VIsayas, Southern Tagalog, Palawan, Western Visayas, Eastern Visayas, Bicol, Northern MInadanao at Southern Visayas.

Nanatili namang nakabantay ang PCG at lahat ng assets nito sa posibleng epekto ng pananalasa ng bagyo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here