Home IN PHOTOS 266 bilanggo, pinalaya sa New Bilibid Prison

266 bilanggo, pinalaya sa New Bilibid Prison

3
0

MUNTINLUPA CITY, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama si Justice Secretary Fredderick Vida, ang pagpapalaya sa 266 na persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison nitong Oktubre 28, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa ika-32 National Correctional Consciousness Week.

Ayon sa ulat, naging kwalipikado ang mga pinalayang bilanggo sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala, parole, probation, pagtatapos ng sentensya o mga proseso ng habeas corpus.

Sa kanyang pagbisita, sinuri rin ni Marcos ang mga programang pang-edukasyon at pangkabuhayan sa loob ng bilangguan na naglalayong makatulong sa rehabilitasyon ng mga PDL.

Tiningnan din ng Pangulo ang bagong “e-Dalaw” online conferencing system ng pasilidad, na nagbibigay-daan sa mga bilanggo na makipag-ugnayan sa kanilang mga pamilya kahit magkakalayo sila. CESAR MORALES

   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here